Masaya si Arjo Atayde sa engagement ng kaniyang nakababatang kapatid na si Ria Atayde.

Nitong Martes, Pebrero 20, inanunsyo ni Ria at fiancé niyang si Zanjoe Marudo sa kanilang social media accounts ang tungkol sa engagement nila.

Maki-Balita: Zanjoe Marudo, Ria Atayde engaged na!

Gayunman, wala pang detalyeng inilalabas ang dalawa kung kailan nangyari ang engagement.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa Instagram story naman ni Arjo, binati niya ang kapatid at soon-to-be brother-in-law niya.

"I love you both! So happy to ❤️❤️❤️ Congratulations!"

Syempre, hindi rin nagpahuli ang kaniyang misis na si Maine Mendoza na ipinost din sa IG story niya ang post ni Ria at Zanjoe at may "❤️❤️❤️" na caption ito.

Matatandaang ikinasal sina Arjo at Maine noong July 28, 2023.