Masayang ibinalita ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto ang tungkol sa kaniyang muling pagbubuntis sa edad na 40.

Sa latest Instagram post ni Kristine nitong Lunes, Pebrero 19, inamin niyang hindi raw niya inaasahan ang pagdating ng isang bagong supling sa kanilang pamilya.

"I have never doubted Gods power and faithfulness in my life—I may at times feel discouraged but I always have a strong sense of security that only God gives—I know He’s got our backs all the time," lahad ni Kristine.

“To be honest, I was hopeful but never really expected He would bless us with children.. like.. lots of them and another one on the way.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“Funny as it may seem, but I still get those butterflies everytime I see double lines on the PT, kahit pa na ang dami na nila, parang laging 1st time.. ibat ibang level ng overwhelming emotions each stage of every pregnancy. ☺️ ibang level din when you can already see and hear the heartbeat,” aniya.

Sa nangyaring ito, isa lang daw ang natitiyak ni Kristine: “We really cannot limit God’s power.. even how impossible it may seem —- God’s plans will always come into completion whether we like or not. 😉”

“Akala ko noon, last na si Isaac… ngayon, hindi ko na talaga alam kay God.. 🤣❤️” saad pa ng aktres.

Sa huli, nagbigay si Kristine ng papuri sa Panginoon para sa kung ano pa mang plano Nito sa kaniya at sa lumalaki niyang pamilya.

Sa kasalukuyan, may lima silang anak ng asawa niyang si Oyo Sotto na sina Kiel, Kaleb, Marvin, Vittorio Isaac, at Ondrea.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kasamahan ni Kristine sa industriya gaya nina Baron Geisler, Kaye Abad, Ara Mina, Joross Gamboa, Rodjun Cruz, at marami pang iba.