Inaasahan pa rin ang epekto ng easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa malaking bahagi ng bansa ngayong Lunes, Pebrero 19, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, iniulat ni PAGASA Weather Specialist Obet Badrina na sa kasalukuyan ay walang masyadong kaulapan sa kapuluan ng bansa, kaya’t “generally fair weather” daw ang inaasahang mararanasan ngayong Lunes.

“Pero posible pa rin ‘yung mga isolated rainshowers and thunderstorms lalo na bandang hapon hanggang sa gabi,” ani Badrina.

Kaugnay nito, inihayag ng PAGASA na malaki ang tsansang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Posible raw ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalakuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Inaasahan naman umanong muling maranasan ang epekto ng hanging amihan sa mga susunod na araw.