Napag-usapan ng mga netizen ang pag-flex ng aktres na si Sarah Lahbati sa mag-jowang sina Nadine Lustre at Christophe Bariou.

Mukhang nasa isang dinner date ang dalawa at kasama nila ang "estranged wife" ni Richard Gutierrez, na hanggang ngayon, wala pang kumpirmasyon kung talaga bang hiwalay na sila.

Photo courtesy: Sarah Lahbati (IG)

Napapaisip naman ang mga netizen kung ano ang koneksyon nina Sarah at Nadine sa isa't isa dahil ngayon lang sila nakitang magkasama sa isang intimate event.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Nakakaloka naman ang ilang netizens dahil "pinag-iingat" nila si Nadine mula kay Sarah, na mababasa sa comment section ng ulat ng Fashion Pulis kaugnay nito.

"Hmmm.. ingat Nadine"

"Anong meron bakit magkakasama sila?"

"Kawawa din tong si Sarah. Ngayon lang nya na eenjoy youth nya nung naghiwalay sila. I can see her face around na din sa mga advertisements."

"Baka friends din dahil sa french connection :) Di ba si Sarah knows French tapos nasa event recently ng AF de Manille si Nadine at yung Chris. Feeling ko nag-aaral na ng French si Nadine."

"Saka-sakay muna sa iba..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang magjowa o si Sarah kaugnay nito.