Aliw ang "FPJ's Batang Quiapo" star na si McCoy De Leon sa ilang fans na sumalubong sa kanila sa isinagawang caravan ng serye sa Cavite.

Ilang fans kasi ang nagtaas ng placards nila para magpaabot ng mensahe kay McCoy, na kinabubuwisitan bilang "David" sa serye.

Makikita sa mensahe ng isa, "David Ako na Magsusumbong kay Ramon na hindi ikaw si Tanggol."

Pero ang nakakaloka, ang isa naman ay tila bet nang burahin si McCoy sa mundo... bilang David pa rin, siyempre, hindi naman sa personal.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"David ako ang TATAPOS sayo!!!" saad ni kuya.

Natawa na lang si McCoy dahil in fairness, tumatatak sa mga manonood ang pagganap niya bilang kontrabidang half brother ni Tanggol, played by Coco Martin.

"Nakakatuwa pa rin kahit gusto niyo ako tapusin hahah," aniya.

"Batang Quiapo Caravan sa Cavite. Kitakits ulit sa next hehe."

Sey naman ng ilang netizen, sana raw huwag si McCoy ang panggigilan ng BQ fans kundi ang writer nito at direktor.