Kasama ang anak ni “It’s Showtime” host Vhong Navarro sa mga bagong pangalang sasabak sa primetime teleseryeng  “FPJ’s Batang Quiapo”.

Inilabas na kasi ng ABS-CBN Entertainment sa kanilang YouTube channel ang 1st anniversary trailer ng nasabing serye nitong Sabado, Pebrero 17.

At isa nga sa mga naispatang bagong mukha sa trailer ay ang anak ni Vhong na si Yce Navarro.

Kaya naman, nagpaabot ng pasasalamat si Vhong sa director at lead actor ng “Batang Quiapo” sa pamamagitan ng Facebook post noong mismong araw na inilabas ang trailer.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

“Yahoo! Thank you,Lord🙏🏻 Nakaka proud na mapabilang ang anak ko at makasama sa cast ng Batang Quiapo. Goodluck Yce Navarro! ❤️Aabangan ko to!” saad ni Vhong.

“Maraming Salamat, Direk CM🙏🏻” aniya.

Bukod kay Ycer, kasama rin sa mga bagong artistang aabangan sa “Batang Quiapo” sina Elijah Canlas, Jaime Fabregas, Tessie Tomas, Malou Crisologo, Ara Davao, at marami pang iba.

Samantala, kasabay ng mga bagong artistang kinapananabikan at inaabangan, may ilang manonood namang gusto nang matapos ang karakter na ginagampanan ni McCoy De Leon bilang “David.”

MAKI-BALITA: Gigil na mga Caviteño: McCoy De Leon, gustong ‘tapusin’ na