Hindi dapat ipangamba ang pagdagsa ng tone-toneladang isda sa dalampasigan ng Ginatilan, Cebu kamakailan.

Ito ang pahayag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 7 (Central Visayas) chief Mario Ruinita at sinabing posibleng ito ang naging epekto ng 60 days closed fishing season sa Visayan Sea.

"It’s a positive impact in the area after the closing of fishing season. They should not be associated with geological phenomena. This is normal, especially since we are entering the summer season where fish is abundant,” anang opisyal.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang bumulaga sa mga residente ang tone-toneladang "lopoy" na inanod sa dalampasigan nitong Miyerkules isang araw bago alisin ang ipinaiiral na fishing ban.

Idinahilan ng opisyal, naguguluhan ang mga nasabing isda sa paghahanap ng pagkain kaya inanod ang mga ito sa tabing-dagat

Paglilinaw pa ni Ruinuta, ligtas namang kainin ang mga naturang isda.