Pinalagan ng naitampok na "Gwapulis" sa award-winning magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho" ang isang basher na pumintas sa kaniyang hitsura nang mapanood na siyang ma-feature sa nabanggit na show.

Ang "Gwapulis" na si Julius Rael mula sa Leyte ay patok sa social media dahil sa looks niya bilang isang pulis na talaga namang kinakikiligan ng marami.

Sa pagtatampok sa KMJS, sinabi ni Rael na nagsumikap siyang mapabuti ang kaniyang hitsura dahil sa naranasang pambubully noong bagets pa siya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ilang beses din umano siyang nabasted o hindi sinagot ng nililigawan niya dahil sa kaniyang hitsura.

Pero sa pagdaan ng panahon ay glow-up daw talaga siya kaya marami siyang followers sa social media.

Isang basher naman ang tila hindi kumbinsidong kung ano ang makikita sa social media nito ay ganoon talaga sa realidad.

Pinagkumpara ng basher ang larawan ni Jules na makikita sa kaniyang Facebook account at screenshot nang maitampok na siya sa KMJS, habang parehong nakasuot ng uniporme.

May caption itong "Order mo: Dumating sayo:"

Photo courtesy: Jul's Rael (FB)

Parang ang bet sabihin ng basher, ibang-iba ang hitsura ni Jules sa social media kaysa sa aktuwal.

Pinalagan naman ito ng Gwapulis at kinomentuhan.

"Sorry for not meeting up to your standards (pangalan ng basher). One thing is for sure, money can't fix a mean and insecure heart."

Tila marami naman ang nakisimpatya at pumanig kay Jules dahil guwapo naman daw talaga siya inside and out.

Pero payo naman ng ilang netizens, huwag masyadong gumamit ng filter sa social media posting para walang masasaktan sa "expectation versus reality."

Habang isinusulat ang artikulong ito, tila burado na ang nabanggit na post subalit naikalat na ito ng mga netizen sa social media.