Posibleng maapektuhan ng El Niño phenomenon ang 10 pang probinsya sa huling bahagi ng Pebrero.

Ipinaliwanag ng Task Force El Niño sa panayam sa telebisyon, nasa 41 probinsya na ang apektado ng El Niño.

Gayunman, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi pa masyadong nararanasan ang matinding epekto ng El Niño dahil umiiral pa rin ang amihan o northeast monsoon na nagdadala ng malamig na hangin.

Probinsya

Freedivers, inatake ng barracuda sa Batangas

"Wala pa tayo sa warm and dry season months natin. Mas matindi pa ang ating mararanasan sa mga susunod na panahon," pahayag ni PAGASA-Climatology and Agrometeorology Division officer-in-charge Ana Lisa Solis.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na posible pa ring maranasan ang El Niño hanggang Marso, Abril at Mayo o hanggang Hunyo.