Iginiit ng isang mambabatas na huwag nang gumamit ng coin sakaling magkaroon ng tie o tabla sa halalan.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 9796 na iniharap ni Cotabato (3rd District) Rep. Alana Samantha Taliño-Santos na nagsusulong na amyendahan ang Batas Pambansa 881 (Section 240) o Omnibus Election Code of 1985.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Aniya, kapag nagkakaroon ng tabla sa eleksyon ay nakasanayan nang resolbahin ito sa isang toss coin.

Sakaling maging batas, kapag mayroong dalawa o higit pang kandidato na makakakuha ng parehong pinakamataas na bilang ng boto, ang pinal na resulta ay ipapadala sa Sanggunian para sa isang “special session.”

Ang majority vote ng Sanggunian ang magsasabi kung sino ang mananalong kandidato.

Aniya, kapag ang posisyon ay District Representative o District Sanggunian Member — ang mga miyembro ng Sanggunian ng naturang distrito ang boboto.

Layunin ng panukala na matigil ang kawalan ng patas na laban dulot na rin ng toss coin na sumisira sa demokratikong proseso at prinsipyo ng nakararami.