Napili ang San Miguel Corporation (SMC)-led group na SMC-SAP Company and Consortium bilang bagong magpapatakbo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos umano itong manalo sa months-long bidding race para sa main airport ng bansa.

Inanunsyo ito ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) sa isang media briefing nitong Biyernes, Pebrero 16.

Ayon sa DOTr, nanalo ang SMC mula sa tatlong bidders para sa NAIA matapos nitong ialok na ibibigay sa pamahalaan ang 82.16% ng airport revenues.

Dahil dito, magsisilbi ang San Miguel bilang operator ng NAIA sa susunod na 15 taon, at posible pa umanong mapalawig sa susunod pang 10 taon.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Matatandaang noong 2020, nakuha rin ng SMC ang franchise para sa New Manila International Airport sa Bulacan.