Maraming netizens ang naantig sa kasalang bayan na nilahukan ng mga katutubong Mangyan sa San Vicente, Roxas, Oriental Mindoro.

Sa TikTok video kasi na ibinahagi ni Leng Mamburam nitong Huwebes, Pebrero 15, makikita ang totoong saya sa ngiti ng mga katutubo kahit simple lang ang kanilang mga suot.

“Wala sa garbo o sa kasuotan kundi sa nilalaman ng puso ‘yan 😍😍” saad ni Leng sa caption ng kaniyang post.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Kaya naman, hindi napigilan ng mga netizen na magbahagi ng reaksiyon sa nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Simpleng ksal peo puno ng saya at pgmmhl..Ung iba nga ngppksal ng bongga ending hiwly din”

“ako lang ba yung nakangiti tapos biglang lumuha nong sila nanay at tatay yung walang tsinelas..🥺😔”

“Naiyak ako sobrang simple ng mga suot pero kita sa muka ng bawat isa ang kaligayahan.❤️🥺”

“Don’t know but I’m just in teary eyes”

“Ito yung mga taong simple lang ang kasootan pero di maghihiwalay hanggang kamatayan🥰”

“Hala bat ako napaiyak🥺Dyan mo makikita ang totoong pagmamahal di kailangan ng garbong kasal🥰”

“ang ganda nila tignan kita sa muka nila ung pag iibigan ng isat isa🥺♥️”

“Un mga ganitong kinakasal pa un nag tatagal kaysa sa mga magagarbung kasalan kunting hindi pagkakaunawaan hiwalay agad"

“The best wedding I've seen so far 🥰😊🥺. Congratulations!”

Pero may ibang netizen ding nagsabi na sana man lang daw ay binigyan na rin sila kahit simpleng wedding attire.

“if i am the mayor, i would sponsor their wedding attire. A simple white dress plus sandals for the bride and a simple polo, trouser and black shoes for the groom would do.”

Depensa naman ng isa: “baka yan din gusto nilang tingnan mo yung mga tsinelas nila halos magkakatulad.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 772.7k views at 73.8k hearts ang nasabing video.