Nagbigay daw ng reaksyon ang “Can’t Buy Me Love” star na si Donny Pangilinan kaugnay sa isyung nasasapawan daw nina Maris Racal at Anthony Jennings ang tambalan nila ni Belle Mariano.

Sa latest episode ng Marites Univesity nitong Huwebes, Pebrero 15, pinag-usapan ng mga host na sina Jun Nardo, Rose Garcia, at Ambet Nabus ang tungkol sa bagay na ito.

Matatandaang nagsimula ang “sapaw issue” matapos umani ng papuri sina Anthony at Maris sa kanilang mga eksena sa nasabing teleserye na pinangungunahan nina Donny at Belle.

MAKI-BALITA:  ‘Sapaw sa DonBelle?’ Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Nakakaaliw daw kasi talaga ang dalawa kapag nagsimula nang magbatuhan ng mga linya sa isa’t isa. Natural na natural ang bawat bitaw. At ayon pa kay Ambet, kahit wala raw si Maris sa eksena ay nagsa-shine pa rin daw si Anthony.

Kaya naman hindi nakapagtataka na in the near future, kapag natapos ang “Can’t Buy Me Love,” ay bigyan sina Maris at Anthony ng proyekto kung saan sila naman ang bibida.

“Pero ang naging reaksyon na nga lang ni Donny, wala. natawa lang siya. Kasi parang ano pa nga ba ang iko-comment niya? E, ganoon talaga ang eksena sa mga ganoon,” saad ni Ambet.

Dugtong pa niya: “Kaya mga Donato fans dyan, relaks lang. Chill.”

Matatandaang bago pa man ito ay nagsalita na rin si Anthony nang usisain siya sa isang panayam hinggil sa nasabing isyu.

MAKI-BALITA: Anthony, nagsalita sa isyung sinapawan na nila ni Maris ang DonBelle