Dalawang mangingisda ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) nang masiraan ng bangka sa Rizal, Palawan kamakailan.

Sa report ng PCG, ang dalawa ay nakilalang sina Regie Nalang at Reymond Talaver.

Sakay ng fishing boat ang dalawa at patungo na sana sa Barangay Taburi, Rizal nang biglang pumalya ang makina ng bangka sa karagatang bahagi ng Sitio Ariringon, Iraan nitong Pebrero 14.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad namang nagresponde sa lugar ang search and rescue team ng PCG at nailigtas ang dalawa.

Hinila na rin ng Coast Guard ang bangka patungong dalampasigan ng Brgy. Iraan.

Kaugnay nito, pinayuhan ng PCG ang mga mangingisda na tiyakin munang nasa kondisyon ang bangka bago pumalaot upang maiwasan ang insidente.