₱129.7M Ultra Lotto jackpot, walang winner
Wala pang idineklarang nanalo sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Pebrero 16 ng gabi.
Ipinahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang 6-digit winning combination na 29-03-07-11-17-58 na may nakalaang premyong ₱129,732,562.40.
Binobola ang 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
Nitong Enero 2, isang taga-Ligao City, Albay ang nanalo ng mahigit sa ₱571 milyon matapos mahulaan ang winning combination na 19-35-25-42-58-05 sa Ultra Lotto.