Tila naiinggit na naman ang social media personality na si Senyora kay Kiray Celis at sa non-showbiz boyfriend nitong si Stephan Estopia.

Sa Facebook post kasi niya nitong Huwebes, hinihintay niyang mabalita ni Ogie Diaz si Kiray. Meaning, maibalitang break na ang dalawa.

Matatandaang tinatawag na “Patron Saint of Chismis" si Ogie dahil halos lahat ng mga nauna niyang natsikang showbiz couple na naghiwalay na ay talagang totoo pala: magmula kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel, Kim Chiu at Xian Lim o KimXi, mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones, at panghuli nga ay sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Maki-Balita: Ogie Diaz sinasamba bilang ‘Patron Saint of Chismis’

Ogie Diaz sinasamba bilang 'Patron Saint of Chismis'

"Haaaaaay kelan kaya mababalita ni Ogie Diaz si Kiray," sey ni Senyora.

Sa comment section naman, inupload niya ang picture ni Kiray at Stephan habang nagkikiss at aniya, "nakakapikon."

(Screenshot: Senyora/FB)

Kasalukuyan ngayong nasa Japan sina Kiray at Stephan.

https://balita.net.ph/2023/08/22/kiray-sa-4-years-nila-ng-jowa-alam-kong-4ever-na-to/