Nakopo ng San Miguel ang PBA Season 48 Commissioner's Cup matapos patumbahin ang Magnolia, 104-102, sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng gabi.

Naging sandata ng Beermen sa pagkapanalo sina Chris Ross, nagpakawala ng krusyal na tres, 1:27 sa regulation period, at CJ Perez na tumira rin mula sa three-point area.

Hinirang naman ni Perez bilang Finals Most Valuable Player dahil sa impresibong laro nito.

Naka-28 points si Perez habang kumubra naman ng 19 points si June Mar Fajardo, bukod pa ang 12 rebounds nito.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'