‘Grade sa love note: 0/10  🙄

Marami ang naaliw sa post ni Onin Galenzoga tampok ang kwelang pag-grade at pagkorek ng kaniyang misis sa pagkakasulat ng love note na ibinigay niya rito kasama ang kaniyang Valentine’s Day gift.

“‘Yung nagregalo ako pero ako pa rin mali! 🙄 #HappyValentong,” kwelang caption ni Galenzoga sa kaniyang Facebook post na umabot na sa mahigit 4,400 reactions, 305 comments at 843 shares.

Courtesy: Onin Galenzoga

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Galenzoga, isang digital artist, na 12 years na silang kasal ng kaniyang misis na si “Pam” at anak nila ang nabanggit sa note na si “Sid.” Nakabase raw sila ngayon sa Toronto, Canada.

Kuwento ni Galenzoga, bagama’t hindi naman related ang trabaho ng kaniyang misis sa pagpu-proofread, talagang istrikto raw ito sa mga pino-post niya sa social media.

“Strict siya sa mga pino-post ko sa socmed, kino-correct niya ako sa mga nakikita niya since she's a graduate of UP Diliman with masters degree in Urban and regional planning, then may dalawa na siyang post graduate degrees. So madami na siyang pinagdaanang proofreading and all,” ani Galenzoga.

Nang ibalik naman daw ng kaniyang misis ang corrected version ng kaniyang love note, tumawa lang sila nang tumawa.

“We both literally laugh out loud noong pinakita nya corrections. Ako ‘yung gift giver sa relationship namin (kahit walang occassions) and instead na kiligin siya parati, niyang dinadaan sa joke, but in the end she's always grateful naman,” saad ni Galenzoga.

Pagdating naman sa kanilang celebration ng Valentine’s Day, pinagluto raw ni Galenzoga ang kaniyang mag-ina at in-enjoy ang gabi sa pamamagitan ng panonoood ng movie.