Isinusulong sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng “unpaid heartbreak leave” ang mga empleyadong sawi sa pag-ibig.

Base sa House Bill No. 9931 o “Heartbreak Recovery and Resilience Act” na inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, nagdudulot ng emotional stress ang pagkabuwag ng romantic relationship ng isang tao hindi lamang sa personal kundi sa propesyunal niyang buhay.

“Unprocessed emotional distress can negatively impact productivity, employee morale, and workplace health,” giit ni Suan sa panukala.

“Providing employees with time and resources to recover from heartbreak can promote well-being, improve workplace performance, and reduce employee turnover,” dagdag niya.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Sa ilalim ng naturang panukalang batas, maaaring magkaroon ng isang “unpaid heartbreak leave” kada taon ang mga empleyadong may edad 25 pababa.

Dalawang araw kada taon naman ang “unpaid heartbreak leave” na maaaring magamit ng mga empleyadong nasa pagitan ng 25 hanggang 35 ang edad, at tatlo ang maaaring magamit na leave ng mga empleyadong may edad 36 pataas.

Para maging kuwalipikado sa heartbreak leave, dapat daw bigyan ng mga empleyado ang kanilang employer ng nilagdaang pahayag na nagkukumpirma sa pagbuwag ng kanilang romantic relationship sa loob ng nakalipas na 30 na araw.

“Employees must provide their employer written notice of their intention to take heartbreak leave at least 48 hours in advance unless exigent circumstances prevent such notice,” nakasaad din sa panukala.