Sa isang espesyal na episode ay nakapanayam ni Boy Abunda sa kaniyang programang "Fast Talk with Boy Abunda" ang kaibigang si Queen of All Media Kris Aquino sa pamamagitan ng video conference.

Nasa Amerika si Krissy dahil nga kasalukuyang nagpapagaling at nagpapagamot siya laban sa kaniyang sakit.

Bukod sa Valentine's Day, kaarawan din ni Kris tuwing Pebrero 14, at nagkataon ding muling nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Boy.

Nagbigay ng health updates si Kris, na aniya, magiging mahirap pang lalo sa kaniya ang mga susunod na anim na buwan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ngayong 53 na siya, nais pa raw niyang umabot kahit hanggang 63.

Naikuwento pa niya na nag-text daw sa kaniya ang kapatid na si Viel, na sana raw ay nakabihis siya nang maayos at may nag-ayos sa kaniya bago humarap sa live interview ni Boy.

"No. I refuse to die... Talagang pipilitin ko because ang next ano ko, my next chapter is to become a stage mother,” aniya.

Stage mother dahil napabalitang papasukin na ng mga anak niya ang showbiz, partikular si Bimby Aquino Yap, na mukhang sasabak na sa modelling at Cornerstone ang hahawak sa career.

Wish ng mga netizen ang paggaling ng Queen of All Media, na aniya sa update niya, ay nakararanas ng sakit na tila malapit na sa lupus.