Naglabas ng withdrawal forms ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga indibidwal na nagnanais na bawiin ang kanilang mga lagda para sa People’s Initiative (PI) na naglalayong isulong ang Charter Change (Cha-Cha).

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Pebrero 15, binanggit ng Comelec ang nangyaring Senate Committee Hearing on Electoral Reforms and People's Participation kung saan sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na may mga taong nais umanong magbawi ng kanilang pirma sa PI.

“For purposes of recording such manifestations, the Commission hereby releases the Withdrawal Form of Signature in Signature Sheets/Petition for People's Initiative,” anang Comelec.

Maaari na raw makuha ang withrawal forms sa Offices of the Election Officer (OEOs) sa buong bansa, at sa naturang mga opisina rin maaaring ipasa ang accomplished forms.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

“COMELEC's acceptance of withdrawal forms is for recording purposes only and shall not be construed as formal action by the Commission on the signature sheets/petition for People's Initiative,” saad ng Comelec.

“The suspension of COMELEC Resolution No. 10650 on 29 January 2024 per COMELEC minute Resolution No. 24-0055 remains in effect,” dagdag pa nito.

Courtesy: Comelec/FB

Matatandaang iginiit ni Dela Rosa kamakailan na isang kongresista raw ang nagsabi mismo sa kaniya na si House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod ng nasabing PI campaign para Cha-Cha, na naglalayong amyendahang ang 1987 Konstitusyon.

Agad naman itong itinanggi ng House leader.

MAKI-BALITA: Bato, iginiit na si Romualdez nasa likod ng PI campaign; House speaker, umalma!

Samantala, tila nagkainitan din kamakailan ang magpinsang sina Senador Imee Marcos at Romualdez dahil sa naturang usapin.

MAKI-BALITA: Imee, ipinagdiinang si Romualdez umano ang nasa likod ng PI campaign

MAKI-BALITA: Romualdez sa akusasyon ni Imee: ‘Nagma-marites siguro siya’

MAKI-BALITA: Imee pinatutsadahan si Romualdez: ‘Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo’

MAKI-BALITA: Romualdez, sinagot tirada ni Imee: ‘Hindi po kailangan ng bastusan’

Bukod dito,  inamin ni PIRMA lead convenor Noel Oñate sa isinagawang pagdinig sa Senado kamakailan na nakipag-coordinate umano siya kay Romualdez upang makakuha ng 3% ng mga lagda kada congressional district para sa PI.

MAKI-BALITA: Romualdez nakipagtulungan sa PI campaign, pag-amin ng PIRMA lead convenor

Naglabas naman ng pahayag si Romualdez upang ipaliwanag ang naturang pagkakadawit niya sa pahayag ni Oñate.

MAKI-BALITA: Romualdez, nagpaliwanag sa pagkakadawit sa kaniya sa PI campaign