How true ang tsika na matetengga raw ang career ni Kapamilya star Andrea Brillantes matapos ang teleserye nitong “Senior High?”

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Update” nitong Miyerkules, Pebrero 14, binanggit ni showbiz insider Ogie Diaz na marami raw nagtatanong tungkol sa career ni Andrea.

“Actually kasi dapat masundan na ‘yon [Senior High]. Sana masundan siya. Kasi kahit naman ako, pwede akong maghanap pa o mag-crave ng more sa isang Andrea Brillantes pagdating sa series. E, lalo na successful ang ‘Senior High,’” pahayag ni Ogie.

Pero sa kabila raw ng mga isyung kinasasangkutan, hindi naman daw pababayaan basta-basta ng ABS-CBN si Andrea. In fact, may plano raw ang nasabing kompanya para sa aktres.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Dahil may nakausap nga ako sa management ng ABS-CBN na magkakaroon ng sequel ang ‘Senior High.’ Dahil may clamor at maganda ang serye kaya sila-sila ulit ang mga bida,” sabi ng showbiz insider.

Matatandaan kasing nakaladkad ang pangalan ni Andrea sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos kumalat ang balitang palihim umano silang nagkikita ng huli.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring inilalabas na anomang pahayag si Andrea upang pabulaanan o kumpirmahin ang nasabing isyu.