Tila may pinatatamaan si Unkabogable star Vice Ganda sa binitawan niyang hirit sa isang episode ng “It’s Showtime” noong Lunes, Pebrero 12.

Sa segment kasing “EXpecially For You” ng nasabing noontime show, inusisa niya ang isang searchee na nagngangalang “Aubrey” kung ano ang trabaho nito.

“Anong ginagawa mo ngayon? Employed ka ba?” tanong ni Vice Ganda.

“Yes po,” sagot ni Aubrey, “I’m currently working as a data validator.”

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

“Data validator, siya ang nagko-confirm ng mga breakup na hindi naman sila pinayagang i-confirm,” hirit naman ni Vice Ganda.

Natawa naman si Aubrey sa sinabi ng host. “Pwede rin po,” saad niya.

“Joke lang,” pasubali ni Vice sabay tawa.

Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang tungkol sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

MAKI-BALITA:  Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

In fact, inispluk pa ni Boy na isinauli na raw ni Bea kay Dominic ang engagement ring na ibinigay nito sa aktres. 

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, isinauli ang engagement ring kay Dominic Roque

Tila hindi nagustuhan ni Bea ang ginawang ito ni Boy dahil batay sa pahayag na inilabas ng aktres nitong Linggo ay sinabi niyang may ilan umanong nagkumpirma ng kanilang breakup ni Dominic nang wala raw consent nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Walang consent? Bea may pasaring sa mga nagkumpirma ng breakup nila ni Dominic

Pero sa kasalukuyan, ayaw pa raw munang magkomento ni Boy kaugnay sa naturang isyu.

MAKI-BALITA: Boy, ‘no comment’ sa pasaring ni Bea tungkol sa inispluk na breakup