Iginiit ni Senator Imee Marcos na imbestigahan ng Senado ang pakikialam ng International Criminal Court (ICC) at United Nations (UN) sa panloob na problema ng Pilipinas.

Sinabi ng senador sa panayam sa radyo na naghain siya ng Senate Resolution 927 kung saan binanggit na hindi makatwiran ang presensya ng mga intergovernmental organization sa ating bansa dahil nagdudulot ng banta sa kalayaan at soberanya ng Pilipinas.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Nakapaloob sa resolusyon ng senador, ang pagbisita ng mga imbestigador ng ICC sa bansa noong Disyembre upang mangalap ng ebidensya bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon sa ipinatupad na “war on drugs” ng nakaraang administrasyon.

Sa kabila aniya ng pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute at sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na wala nang hurisdiksyon ang ICC sa ating bansa ay itinuloy pa rin ng ICC ang kanilang imbestigasyon.

Sinabi rin ng senador ang naging pagbisita ni UN Special Rapporteur Irene Khan sa Pilipinas kung saan iminungkahi nitong buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict  (NTF-ELCAC).