Usap-usapan ang payo ni "Face 2 Face" host Karla Estrada para sa mga babaeng kinakalantari ng mga lalaking taken na, sa art card na ginawa ng TV5.

Mababasa sa art card na naka-post sa Instagram page ng network, "Kapag kayo ay nilalandi ng mga lalaki at sila ay may kinakasama, taken sila lalo na may mga anak, dapat kayo na ang umiwas."

"Tips para 'di masaktan, iwas-iwas din pag may time. 🙂" caption naman dito ng TV5.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"It takes two to tango. 💃🕺"

"Para ba 'yan sa lumandi sa anak mo oooppsss..."

"Nagsalita... 🙄"

"Sa true. Hindi yung makikipaglandian ka rin girl 🤔"

"look who’s talking! … mana mana lang yan, nasa genes nyo na! 🙄🤨"

"Kapag ikaw ay may kinakasama, taken ka na lalo may mga anak, dapat huwag kang lumandi!"