May payo si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso tungkol sa pag-ibig ngayong Araw ng mga Puso.

"Minsan ang pag-ibig nasa gedli mo lang pala, hindi mo nakikita at nararamdaman dahil masyado kang focus sa iba. Just look around baka nasa nanka at wakali mo lang 'yan!" ani Isko sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules.

Dagdag pa niya, "Always remember, bago magmahal ng iba mahalin muna ang sarili."

Agree ba kayo, ka-Balita?

Balitang Pag-Ibig

May bulaklak man o wala, kamahal-mahal ka!

At saka ngayong Araw ng mga Puso, hindi ka dapat malungkot o madismaya kung wala kang matatanggap na bulaklak, o wala kang ka-date, hindi naman ibig sabihin no’n walang nagmamahal sa’yo.

Maki-Balita: May bulaklak man o wala, kamahal-mahal ka!