How true kaya ang tsikang inaalok lang daw ang isang teleserye kay Bea Alonzo kapag tinanggihan na ito ni Marian Rivera?

Iyan daw ang nasagap na tsika ni "Ate Mrena," co-host nina Ogie Diaz at Mama Loi sa "Ogie Diaz Showbiz Update."

Napag-usapan kasi ng tatlo ang tungkol daw sa magkaibang bet nina Bea at Dominic sa kanilang kasal. Sey ni Ogie, mukhang may gustong ma-achieve si Bea patungkol sa kaniyang kasal na once in a lifetime nga lang naman.

Since nasa superstar status si Bea, tila gusto rin daw nitong gayahin ang ilang showbiz couple wedding ng mga sikat na artistang gaya niya, katulad daw sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

MAKI-BALITA: Magarbong kasal, isa sa mga napagtalunan nina Bea at Dominic?

Singit naman ni Mrena, "Pati ba naman sa wedding, Kuya? Makikipagkompitensya pa si Bea Alonzo kay Marian [Rivera]?

"Kasi kuya, si Bea at saka si Marian ngayon ang pinakasikat ngayon sa GMA?"

"Oh eh anong konek ngayon sa wedding? Eh ikinasal na si Marian kay Dingdong, okay na 'yon..."

"Eh kasi kuya, eh may kaibigan ako sa GMA... may nasabi lang sa akin, na bago i-alok ang isang teleserye kay Bea Alonzo, eh dadaan muna kay Marian. Siya muna ang aalukin, kuya. Pag hindi tinanggap ni Marian, saka mapupunta kay Bea..."

Giit ni Mrena, naikuwento lang daw sa kaniya ito ng kaibigan sa Kapuso Network.

"Hindi naman talaga natin alam ang totoong kuwento diyan," sey naman ni Ogie. "Parang gustong sabihin ni Mrena, bago tanggapin ni Bea 'yong isang teleserye tama ba? Inialok na muna 'yon, nauna nang naialok 'yon kay Marian, Jusko nakakaloka, ako na naman... uy hindi 'yan confirmed ha."

Samantala, wala pang tugon, kumpirmasyon, o pahayag ang kampo ng GMA Network patungkol dito.