Hinangaan ng fans at pati ng kaniyang mga kapuwa celebrity si TV host-actress Maja Salvador sa latest episode ng ASAP Natin ‘To noong Linggo, Pebrero 11.

Humataw kasi si Maja sa nasabing musical variety show sa kabila ng katotohanang siya ay nagdadalang-tao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

View this post on Instagram

A post shared by MAJA (@maja)

Sa saliw ng kanta niyang “Sugal” ay ipinamalas ni Maja sa dance floor ang kaniyang natatanging talento sa pagsayaw.

Kaya naman, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“SEXY MOMMA 🔥🙌”

“Grabe! Ikaw lang pwede gumawa niyan habang buntis! 🙌🏻🙌🏻🙌🏻”

“ate grabeeeeeeee!!!!! ❤❤❤”

“YEEEESSSS🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥 Her MAJASTY is Vackkkkkkkkkkkk. So Proud of you. @maja”

“That’s my Baby!! 🔥”

“The OG! Welcome back @maja “Ang reyna ng ‘ASAP NAtin ‘To’ dance floor” 👏🔥💃🏻”

“The OG dance floor queen ng ASAP! Ang galing kahit buntis😍🔥”

“Let's go Majasty! #queen”

“Rihanna vibes super bowl last year.”

Wala namang dapat ipag-alala ang fans kay Maja. Dahil ayon mismo sa aktres nang makausap niya sina Martin Nievera at Erik Santos, may consent daw ng kaniyang doktora ang pagtatanghal niya sa ASAP dahil very healthy daw ang kaniyang baby girl. 

Naging emosyunal naman si Maja sa kaniyang muling pagbabalik sa ASAP stage lalo pa’t 20th anniversary na niya sa industriya. 

Samantala, matatandaang noong Disyembre 2023 ay inanunsiyo ni Maja at ng kaniyang asawang si Rambo Nuñez ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

MAKI-BALITA: Maja, Rambo, magkaka-baby na!