Dahil malapit na naman ang Araw ng mga Puso, marami na namang Pinoy ang lalong masaya sa kanilang buhay pag-ibig.

Sa survey ng Social Weather Station, nasa 58 porsyento ng mga Pinoy ang nagsasabing 'very happy' sila sa kanilang love life.

Ito na ang pinakamataas na porsyento mula nang maitala ang record-high na 59% noong 2011, ayon sa SWS.

Umabot naman sa 23 porsyento ang nagsabing 'sana ay mas masaya pa' habang nasa 19 porsyento naman ang 'walang love life.'

Human-Interest

Guro sumakay ng tramline para makatawid sa rumaragasang ilog, makapasok sa paaralan

Nasa 76 porsyento naman ng mga lalaking may-asawa ang 'very happy' na kahalintulad din ng tugon ng 67 porsyento ng mga babaeng may-asawa.

Tumugon din ng 'very happy' sa kanilang love life ang 69 porsyento ng mga lalaking may live-in partner. 

Positibo rin ang naging kasagutan ng 64 porsyento ng babaeng may live-in partner.

Isinagawa ang survey sa 1,500 Pinoy adults sa buong bansa noong Disyembre 8-11, 2023, ayon pa sa SWS.