Cuteness overload!

Tuwang-tuwa at aliw na aliw ang mga netizen sa isang pet cat na kahit todo-posturang parang estudyante ay "hinarang" pa rin ng lady guard na nagbabantay sa entrance ng gate ng isang pamantasan.

Wala raw kasi siyang ID at mahigpit na sinusunod sa Philippine Christian University (PCU) ang polisiyang "No ID, No Entry."

Ayon sa Facebook post ng uploader at fur parent na si Shey Ybañez, dala-dala at isinama niya ang himalayan pet cat na si Leo sa kaniyang alma mater.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"Ginagawa lang nila anak ang trabaho nila, ganyan din ako dati. Tumambay ka nalang muna canteen 😹."

"Sino ba kasi pwde kausapin sa PCU para magkaroon ng I.D si LEo Pogi masipag na bata yan at matalino malaking kawalan yan kapag di nyo pinagraduate 😹," kunwa'y caption ni Ybañez sa kaniyang FB post.

Pero nakapasok din naman si Leo sa loob ng school vicinity, umawra-awra, at "nag-pictorial" pa rito.

"To my Alma Mater Philippine Christian University thank you for all the love and support. Meet my son LEo Pogi welcome to PCU anak mag aral ka mabuti dyan nandyan lahat ang magagaling na professors. 💗"

"Ps: Wag na wag ka magpapabully dyan anak, Sapak agad kapag tinawag ka mamoy 😹," aniya.