Ipinamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang aabot sa ₱200 milyong halaga ng tulong sa mga pamilyang apektado ng kalamidad sa Davao Region.

Sa pahayag ng DSWD, aabot na sa ₱85 milyong tulong ang tinanggap ng Davao del Norte, bukod pa ang 129,168 family food packs (FFPs).

Nasa ₱63 milyon naman ang tinanggap ng Davao Oriental at 93,553 FFPs. 

Umabot naman sa ₱46 milyon ang ibinigay sa Davao de Oro, at 69,007 FFPs. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipinamahagi na rin sa mga biktima ng landslide sa Brgy. Masara, Maco ang bahagi ng cash assistance.

Ang tatlong lugar ay isinailalim na sa state of calamity.

Nakatanggap lamang ng ₱1.2 milyon ang Davao Occidental at ₱700,000 naman ang Davao City.

Matatandaang nakaranas ng matinding pag-ulan at pagbaha ang rehiyon kamakailan dulot ng sama ng panahon.