Nagpahayag ng interes ang aktres na Gillian Vicencio sa posibilidad na muling makatrabaho sina Kapamilya star Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kabila ng pagkakadawit niya sa hiwalayan ng dalawa.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Linggo, Pebrero 11, tinanong daw si Gillian tungkol sa bagay na ito.

“Project po ‘yon. Kailangan ng pera. Oo naman, kasi wala naman (malice),” tugon ni Gillian.

Samantala, tinanong din si Gillian kung kailan siya huling nag-message kay Daniel. Ayon sa kaniya, matagal na raw silang walang komunikasyon.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

“Matagal na rin po kaming hindi nag-uusap after n’ong taping. Noong taping lang talaga kami nakakapag-usap (as a group),” aniya.

Ang tinutukoy niyang taping ay sa seryeng "2 Good 2 Be True” kung saan gumanap siya bilang “Tox” at nakasama niya sina Kathryn at Daniel 

Matatandaang kinuyog ng KathNiel fans si Gillian dahil siya umano ang itinuturong dahilan kung bakit naghiwalay ang ex-celebrity couple.

MAKI-BALITA: Gillian Vicencio, kinuyog ng KathNiel fans

Agad naman niyang itinanggi ang naturang paratang ng fans sa pamamagitan ng X post noong Disyembre 1. 

MAKI-BALITA: Gillian Vicencio nagsalita matapos madawit sa KathNiel break-up

Pero palaisipan pa rin hanggang ngayon kung bakit kabilang din si Gillian sa mga inunfollow ni Kathryn sa Instagram account nito noong Enero.

MAKI-BALITA: Anong isyu? Kathryn, inunfollow sina Liza, Gillian, at Julia