Kinaaliwan ng mga netizen ang promo ng isang chicken wing-themed restaurant sa Tiaong, Quezon Province para sa mga taong may pangalang "Bea" at "Dominic."

Libre na raw ang unlimited chicken wings nila sa sinumang may pangalang "Bea" at "Dominic" na nagsimula noong Pebrero 7 at magtatapos ng Pebrero 29.

Mababasa sa kanilang Facebook page, "CALLING LAHAT NG BEA AT [DOMINIC] ANG PANGALAN MAY PROMO KAMI SAINYO! LIBRE NA ANG UNLIMITED CHICKEN WINGS NIYO 😬," anila.

"Dapat BEA AT DOMINIC ANG PANGALAN MO PARA SA PROMO MECHANICS 🍗."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Para ma avail ang promo na ito, Mag present lang ng isang Valid ID na katunayang na ang pangalan mo ay BEA at DOMINIC may FREE UNLIMITED CHICKEN WINGS kana!"

"Every 4 regular paying adult pang lima ung may pangalan na BEA AT DOMINIC LIBRE na."

Dahil ito sa balitang hiwalayan ng engaged celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.