Nag-alok na ng ₱500,000 pabuya si San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga sa sinumang magbibigay ng impormasyon upang matukoy ang dalawang suspek sa pamamaslang sa isang konsehal kamakailan.

Sinabi ni Salonga, layunin nilang mapadali ang paglutas sa kaso ng pagpatay kay Councilor Roberto Carpio, taga-Purok 4, Brgy. Luyos, San Antonio.

Kinondena na rin ng pamahalaan ng San Antonio ang naturang pamamaslang.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Naglabas na ng resolusyon ang local government na nagdedeklara ng pagluluksa ang buong bayan dahil na rin sa insidente.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga suspek at motibo sa krimen.

Matatandaang tinambangan ang biktima matapos na ihatid ang kanyang anak sa paaralan nitong Huwebes ng umaga.

Dead on arrival sa ospital ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa ulo, ayon sa pulisya.