Kumakalat ngayon ang isang video clip kung saan namataan daw sina Bacolod City Mayor Albee Benitez at Kapamilya Star Ivana Alawi habang nasa Japan.

Sa ulat ng "Fashion Pulis," makikitang parehong nakasuot daw ng puting damit sina Mayor Albee at Ivana. Si Ivana at nakasuot ng itim na sumbrero habang ang alkalde naman ay naka-face mask. Tila sila ay nasa airport.

Galing naman ang video sa isang netizen na may account name na @erkaventure na makikita sa YouTube Shorts.

May caption itong "Ivana Alawi spotted in Japan."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakita rin umano sa nabanggit na video si "Eat Bulaga" host Joey De Leon at ang misis nito.

Napapatanong tuloy ang mga netizen kung magkakasama ba sila sa trip.

Nauna nang itinanggi ni Mayor Albee ang tungkol sa pagkaka-link niya kay Ivana, ayon na rin sa naibalita ni Ogie Diaz sa "Ogie Diaz Showbiz Update."

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Albee Benitez

"As for recent personal matters, I kindly request understanding and respect for privacy to shield all innocent parties involved. In my private capacity as a film and TV program producer, my professional interaction with various celebrities is inherent to the nature of the business. At this moment, my primary focus is on safeguarding the interests of Bacolod City," anang alkalde.

Samantala, nag-post naman si Ivana sa kaniyang Instagram na subtle way na sagot sa mga intriga.

"I can buy myself flowers 🌸," aniya.

Sa kaniyang Instagram story naman, ibinahagi ni Ivana ang isang art card kung saan mababasa ang quote na "A Clear Conscience Laughs at a False Accusation."