Ilang mga netizen ang naglapag ng masasakit na salita kay Kapamilya star-vlogger Ivana Alawi matapos niyang mag-post ng kaniyang larawan na may caption na "I can buy myself flowers."

Tingin kasi rito ng mga netizen, baka ito raw ang simpleng sagot niya kaugnay ng tsikang naispatan daw silang magkasama ni Bacolod City Mayor Albee Benitez, sa Japan, Baguio, at mismong Bacolod City.

Noong una, blind item lamang ang umano'y kasa-kasamang kilalang sexy actress ni Benitez, na bukod sa pagiging politiko ay TV producer din. Siya ang may-ari ng "Brightlight Productions," ang nag-produce ng ilang shows na ngayon ay defunct na, kagaya ng "Sunday Noontime Live (SNL)," "Tropang LOL," at iba pa.

Pero sa "Ogie Diaz Showbiz Update," pinangalanan ni Ogie na ang nabanggit na sexy actress daw ay walang iba kundi si Ivana.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Albee Benitez

Isang netizen naman na may account name na "@erkaventure" ang nag-post ng isang video kung saan tila magkasama sa airport sina Benitez at Alawi; nahagip din sa video si "Eat Bulaga" host Joey De Leon.

MAKI-BALITA: May resibo! Ivana at Mayor Albee naispatan daw sa Japan

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Ivana na kaya niyang bumili ng bulaklak para sa kaniyang sarili.

Sa kaniyang Instagram story naman, ibinahagi ni Ivana ang isang art card kung saan mababasa ang quote na “A Clear Conscience Laughs at a False Accusation.”

Photo courtesy: Ivana Alawi (IG)

MAKI-BALITA: Ito nga ba ang sagot ni Ivana Alawi sa pagkaka-link kay Mayor Albee?

Sa comment section ay pinutakti naman ng bashers ang dalaga.

"Kumakalat ngayon yung pic nya sa airport with mayor benitez ng bacolod hahaha mukhang legit ang chismis"

"Mistress!!!! Home wrecker!!! Mag jowa na nga lang sa may asawa pa."

"@ivanaalawi twinning pa kau sa airport 😢 nakakadisappoint ka pinagtanggol pa kta before ko makita video sb ko d mo kaya gawin un myaman n mgnda ka… pro bakit?? Hays 😢😢😢"

"@ivanaalawi Question, true bang may lihim na relasyon kyo ni Albie Benittez? Eh diba may asawa at mga anak na yun? yung video nyo kasi kalat na eh. True ba? paki confirm."

Samantala, ilang netizens naman din ang nagtanggol kay Ivana.

"Haha this? All rumors and hearsays unless proven true. I'm this person who doesn't believe in articles until the concerned actors confirm it, or there is clear & plausible evidence."

"Maka-judge naman kayo kay Ivana, wagas!"

"Ahahaha Ang KAPAL nmn ng pagMUMUKHA mo para akusahan sya ng ganyan ,bakit nkita mo ,?asan proof mo?MARITOS ka lang 🥴puntahan mo post ni Xian Gaza sa fb ng mahismasan ,eat your words,,"

Samantala, wala pang direktang tugon, pahayag, pagde-deny, o pagkukumpirma si Ivana tungkol dito.