Humirit ng biro si Unkabogable star Vice Ganda patungkol sa dalawang senador ng bansa sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Pebrero 10.

Sa segment kasing “EXpecially For You” ng nasabing noontime show, tila kamukha ng dalawang lalaking contestant sina Senator Win Gatchalian at Senator Migz Zubiri.

"Welcome... Senator Win Gatchalian," bati ni Vice.

"Hindi siya ‘yan! Si Allen ‘yan!" saway naman ng co-host niyang si Vhong Navarro.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, nang magpakilala naman ang searchee number 1, sumundot ulit ng biro si Vice Ganda.

“What’s up, madlang pipol,” bungad ng searchee number 1, “ako nga pala si Andrew. 25 years old. Sales manager. And I’m from Tanay, Rizal.”

“O, pagkatapos si Win Gatchalian si Migz Zubiri naman ‘yong dumating dito,” hirit ni Vice Ganda.

“Sinasalakay tayo ng senado,” dugtong pa niya.

Sey naman ni Vhong: “Classmate ni Kuya Ogie [Alcasid] ‘yan, ‘no.”  

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagbiro si Vice Ganda tungkol sa politika o sa mga personalidad sa loob nito. Kamakailan ay pumatok din ang hirit niya sa nangyaring bangayan sa gobyerno.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, may patutsada sa gov’t: ‘They used to study unity, now division’

MAKI-BALITA: Vice Ganda may hirit sa PI: ‘Sinong mga nagbabangayan ngayon?’