Isang piloto at estudyante nito ang nakaligtas makaraang mag-emergency landing ang sinasakyang Cessna plane sa isang palayan sa Malolos, Bulacan nitong Sabado ng hapon.

Sa Facebook post ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), kabilang sa nakaligtas sa insidente sina Capt. Ysmael Argonza at Iñigo Martin.

Sa initial report ng pulisya, ang insidente ay naganap sa isang palayan sa Barangay Barihan, dakong 2:30 ng hapon.

Binanggit naman ni Bulacan Police chief, Col. Relly Arnedo, nagsasagawa ng routine flight ang nasabing eroplano mula sa Subic patungong Plaridel Airport sa Bulacan nang magkaroon ng fuel shortage.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa kabila ng sitwasyon, naging kalmado sina Argonza at Martin kaya't nakaligtas ang mga ito sa insidente.

“Their adherence to proper protocols and effective decision-making undoubtedly contributed to the successful outcome of this situation," pahayag pa ni Arnedo.