Nagbigay ng advice si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga single ngayong buwan ng pag-ibig.

Sa isang maikling video na inilabas sa kaniyang official Facebook page nitong Biyernes, Pebrero 9, makikita si Marcos na nagwo-work out.

Habang ginagawa ang ilang mga exercise sa gym, sinabi ng pangulo na sa Bagong Pilipinas, dapat mas inaalagaan daw ng mga Pilipino ang kanilang kalusuguan.

"Ang bagong Pilipino ay mas maalaga sa kaniyang kalusugan," ani Marcos.

Eleksyon

Toby Tiangco, sinisisi raw ng party mates sa Alyansa sa pagtagild ng kanilang partido sa Mindanao?

"Kaya't ngayong buwan ng mga puso, ipagdiwang natin ang pagmamahal sa ating mga sarili,” dagdag niya.

Sinabi rin ng pangulo na dapat alagaan ng bawat isa ang kanilang mga puso, lalo na raw ang mga “single” o walang karelasyon.

“Alagaan natin ang ating mga puso dahil wala nang ibang mag-aalaga diyan kung hindi ikaw lang. Lalo na kung single ka," saad ni Marcos.