Dahil tila going strong ang relationship ni Aiko Melendez, pinalalayo niya muna ang manager niyang si Ogie Diaz sa kaniya.

Kasi ba naman, tinagurian ng netizens na "Patron ng mga Hiwalayan" o sa iba naman ay "Patron Saint ng Chismis" ang talent manager.

"Mader Ogie Diaz kahit manager kita please layuan mo muna kaming mga nakakapit ng pagkahigpit higpit sa aming mga relasyon," biro ni Aiko sa kaniyang manager.

"Awit sabay sabay sino dito ang nakakapit pa?" dagdag pa niya.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Halos lahat kasi ng mga naunang natsikang showbiz couple ni Ogie na naghiwalay na ay talagang totoo pala: magmula kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel, Kim Chiu at Xian Lim o KimXi, mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones, at panghuli nga ay sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Maki-Balita: Ogie Diaz sinasamba bilang ‘Patron Saint of Chismis’

Si Aiko naman ay matagal nang karelasyon si Zambales 1st District Representative Jay Khonghun kaya siguro gano'n na lang din ang reaksyon niya towards kay Ogie.

Kaloka!