Tila magiging bukas sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Marie Louise "Liza" Araneta-Marcos sa publiko hinggil sa kanilang love story ngayong love month.

Sa isang Instagram story sa official account ni PBBM nitong Huwebes, Pebrero 8, nagbahagi siya ng sweet photo nila ng unang ginang.

Hinikayat din ng first couple ang kanilang followers na tanungin sila ng kahit anong bagay para sa kanilang Valentine’s Day vlog.

“Ask us anything,” saad ni PBBM sa naturang post.

PBBM, di ginawang caretaker ng Pinas si VP Sara: 'She's not part of admin anymore!'

“We might answer it in the next vlog,” dagdag niya.

Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/IG

Base sa website ng pangulo, taong 1988 nang magkakilala sina PBBM at Liza sa New York City noong nag-aaral at nagtatrabaho ang unang ginang bilang isang abogado.

Ikinasal sila noong Abril 17, 1993 sa San Francesco Convent sa Fiesole, Italy.