Matapos ang kumpirmasyon ni Asia's King of Talk Boy Abunda sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque, usap-usapan naman ngayon ang cryptic post ng kapatid ni Dom na si Lhean Roque na makikita sa Instagram story nito.

Makikita sa larawan ang isang sheep o tupa na nakapatong sa isang wolf o lobo.

Photo courtesy: Lhean Roque (IG)

Ininterpret ito ng mga marites bilang "wolf in sheep's clothing" o isang idyomatikong ekspresyon na nangangahulugang taong nagbabait-baitang tila maamong tupa, pero sa ilalim nito ay isang mabangis na parang lobo pala.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Siyempre, ang papasok sa isipan ng mga netizen, maaaring ang pinatutungkulan nito ay ang ex-girlfriend ng kapatid.

Mula naman sa kampo ni Bea, matatandaang nag-post sa Threads ang road manager nitong si Nina Ferrer patungkol naman sa isang "manipulative sad boi."

Ibinahagi naman ito ng make-up artist ng Kapuso Star na si Ting Duque at nag-caption ng "They should be stopped."

MAKI-BALITA: Road manager, make-up artist ni Bea, may cryptic post sa isang ‘manipulative sad boi’

Hindi pa alam ang puno't dulo ng hiwalayang ito, at nakakaloka dahil kaniya-kaniyang espekulasyon ang mga netizen kung ano nga ba ang dahilan.

May patungkol sa pera, may patungkol sa magkaibang gusto nila sa kasal, at may mga ulat pang lumalabas na may natuklasan daw na sikreto si Bea kay Dom na ikinawindang niya, na naging dahilan para magdalawang-isip siyang magpakasal dito.

Well, sabi nga ni Bea, "Time is the ultimate truth teller."