Natatawa na lang si Ogie Diaz sa mga nagbabansag sa kaniya ngayon bilang "Patron Saint ng Chismis," "Patron Saint ng mga Marites," at "Philippine's Ultimate Showbiz Insider."

Paano ba naman kasi, halos lahat ng mga naispluk niyang showbiz couple na inintrigang hiwalay na, eh eventually totoo naman pala kahit katakot-takot na bash ang natanggap niya, at kesyo sinabihan pa siyang "fake news peddler."

Vindicated nga si Ogie nang makumpirmang totoo at walang halong eklavu ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), Kim Chiu at Xian Lim (KimXi), mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones, Miles Ocampo at Elijah Canlas, at panghuli nga ay sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

MAKI-BALITA: ABS-CBN kinakausap daw, patahimikin na si Ogie Diaz kaugnay ng KathNiel

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes, Elijah Canlas nagkakamabutihan?

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo hiwalay na

Kaya sey ni Ogie, huwag daw siyang sambahin bilang patron saint, pero ang mahalaga raw, hindi fake news ang mga naibabalita nila sa kanilang "Ogie Diaz Showbiz Update" kasama sina Mama Loi at iba pang literal na "back-up hosts" na sina Tita Jegs, Ate Mrena, at Dyosa Pockoh.

Kuda ng showbiz insider, ""Salamat po sa mga 'sumasamba' sa inyong lingkod. Hahaha! Wag n'yo po akong gawing patron ng mga marites."

"Basta ang importante, tama po ang mga impormasyong inilalatag namin sa Ogie Diaz Showbiz Update Youtube Channel habang wala kaming pakialam sa bashers."

"Nakakalungkot lang din yung break up nina Dominic at Bea, no? #Sadboi este #SadGay ako. Wa echos, gusto ko pa naman sila," aniya.

Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)

Well, Pebrero at Love month pa naman kaya medyo nakakalungkot ang balitang ito ng hiwalayan.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sinasamba bilang ‘Patron Saint of Chismis’