Malaking isyu raw para kay “It’s Showtime” host Vice Ganda kung pagbawalan siya ng jowa niyang si Ion Perez na magdidikit sa mga lalaki niyang kaibigan.

Sa segment kasing ”EXpecially For You” ng nasabing noontime show nitong Martes, Pebrero 6, nagkaroon ng isyu ang babaeng contestant sa jowa niya dahil sa pagkakaroon nito ng girl best friend.

Kaya naman, nagbahagi si Vice Ganda ng komento tungkol dito.

“Kasi ako marami akong best friends, ‘di ba, na mga lalaki? Si Coco Martin, si Billy Crawford, tapos ikaw, saka si Vhong, ‘di ba?” saad ni Vice Ganda.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Parang ‘di ko ma-imagine: ‘What if maging issue ‘yon tapos hindi ako payagan ni Ion na makipagharutan sa inyo dito sa ‘Showtime?’ Ang bigat niyon ‘no?” aniya

Dagdag pa ng host: “Major issue sa akin ‘yon ‘pag sinabi ni Ion na ‘Hindi ako komportable na nakikipagharutan ka kay Vhong at saka kay Jhong.’” 

Pero understanding naman si Ion lalo na’t magkakatrabaho naman sila sa iisang show. Hindi maiiwasang makasama talaga ni Vice Ganda ang ilang pangalang binanggit nito sa itaas.

Idinaan naman ni Jhong sa biro ang mga komento ni Vice Ganda nang maalala niya ang minsang sinabi ng huli.

“‘Di ba sabi mo nga sa akin, ‘alam mo ikaw ‘yong huling-huling pagseselosan ni Ion,’” sabi ni Jhong sabay tawa. 

Samantala, nang tanungin naman ni Vice Ganda si Ion kung sino ang girl best friend ng kaniyang jowa, walang kaabog-abog siya nitong tinukoy.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Ion ay tinawag niya pang best friend si Vice Ganda.

MAKI-BALITA: ‘Akala ko lover mo:’ Ion at Vice Ganda, mag-best friend na lang?