“Bakit wala ka pang jowa?” “Ayaw mong makipag-date man lang?” “Si ano single din. Bakit hindi na lang kayo?” “Sige ka, tatanda kang mag-isa!”

Isa ka ba sa single ladies out there na nakakarinig din ng tila paulit-ulit na mga linyahang ito, lalo na ngayong Valentine’s Day? 

Kebs lang ‘yan, girl! Hindi nasusukat ang worth mo sa pagkakaroon ng jowa.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Pebrero 5, nagbigay ang Philippine Commission on Women (PCW) ng reassuring message para sa mga single lalo na ngayong love month.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“Ang pagiging single, choice iyan! You can date, enter a relationship, get married, start a family, or stay single - ultimately your choice,” anang PCW.

“Do not find a relationship or settle down, just because people are pressuring you to do so.”

Ayon pa sa PCW, okay lang ang maging single lalo na kung ang isang tao ay hindi pa handa, pinaghihilom pa ang sugat mula sa sakit ng kahapon, naka-focus muna sa career o business, o kaya nama’y wala lang talaga sa kaniyang plano ang pumasok sa isang romantic relationship.

“Tandaan, hindi nasusukat ang halaga mo sa relationship status mo,” saad ng PCW.

Sa larawan ng naturang post ay makikita rin ang linyang: “I am SINGLE, and I will choose when to mingle.”