Inilabas ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda, Jr. ang Top 5 cyber crimes na naitatala sa bansa.

Sa isinagawang press briefing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes, Pebrero 6, sinabi ni Acorda, Jr. na nangunguna raw ang estafa sa listahang ito.

“For the Top 5 we have the swindling or estafa. ‘Yan ang nangunguna. And then coming next is—medyo malaki ang diperensya from 15,000 sa swindling and estafa—pagdating na sa illegal access is only 4,000,” saad ni Acorda, Jr.

“Then identity theft to 2,000, and then online libel mga 2,000 din. And card fraud, mga almost 2,000. So, those are the Top 5,” aniya.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Samantala, sa usapin naman ng cyber crime solution rate, wala pa raw data na mailalatag ang PNP Chief hinggil dito.

“Admittedly, ang talagang nagiging problema natin diyan is to identify the perpetrators. Nahihirapan tayo kasi nakatago, especially mga account na ginagamit are sometimes or often fictitious,” pahayag ng PNP Chief.

Gayunpaman, naging malaking tulong daw ang SIM card registration para lutasin ang nasabing problema.