Inispluk ni Asia’s King of Talk Boy Abunda na isinauli na ni Bea Alonzo ang engagement ring kay Dominic Roque.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Pebrero 6, kinumpirma niya ang hiwalayan ng dalawang showbiz couple.

“Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etc. So, I was shocked. Tama si Ogie Diaz po,” ani Abunda.

“As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea,” pagkukumpirma nito.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Maki-Balita: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

"Kung tama ang aking source, Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring, but are they hoping? Ako ang hula ko is yes. Kasi you don't say tomorrow 'I'm going to stop loving'," saad ni Abunda.

Samantala, patuloy pa rin daw nag-uusap ang dalawa.

“Sino ba namang ayaw maayos ang ganitong klase ng problema? As a matter of fact, from good sources, kagabi or no’ng isang gabi lamang ay nag-usap na muli si Bea at si Dominic. They’re trying to understand each other but they’re going through a rough patch."

Matatandaang nauna nang iulat sa programa ni showbiz columnist Cristy Fermin na tila hindi na raw matutuloy ang kasal ng dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Napakatindi ng tensyon:’ Kasalang Bea-Dominic, ‘di raw matutuloy?