Talagang masarap umibig 'no? Masarap sa pakiramdam na minamahal ka rin ng taong mahal mo.

Ang entry #1 ay mula sa isang babae na pinangalanan ang sarili niyang "babaeng hindi matapang," mula sa Pasig City.

Narito ang kaniyang Liham para sa kaniyang minamahal.


Hi, Em!

Hindi naman kasi talaga ako matapang. Mukha lang akong matapang pero ang totoo hindi naman talaga. Nahihiya ako palagi sa mga gusto kong sabihin sa'yo. Pero gusto ko lang sabihin na being with you has made my life so so much better. I do appreciate every thing that you always do for me. Kahit maliit na bagay lang, napapasaya mo ako.

Nandito lang ako palagi sa tabi mo. Parati akong nagpapasalamat sa Diyos dahil mayroon akong ikaw. Kaya sa bawat ikaw, asahan mo ring mayroong ako. Salamat sa pagmamahal mo.

You make me the happiest, love.

Palagi kang mahal,

Ang babaeng hindi matapang 


TORPE KA BA? Nahihiya ka bang sumulat kay crush kaya hanggang parinig ka na lang? Or gusto mong sumulat para sa iyong minamahal? Well, we got you! Pwede kang mag-send sa amin ng online LIHAM mo para sa iyong crushieee at iyong minamahal! 

Mag-email ka lang sa [email protected]! Baka malay mo mapili namin ang iyong entry hihi.