Wala raw naipong pera ang Kapamilya star na si Daniel Padilla kaya marami raw ang nagpapayo sa aktor na sana’y inuna nito ang mga mahahalagang bagay kaysa sa pagbili ng kung ano-ano.

Pero sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Enero 31, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang kaniyang pananaw hinggil sa hindi pag-iipon ni Daniel.

“Ako naman kasi, ang una kong tiningnan doon, isang bata ito na hindi lumaki sa hindi naman kaalwanang pamilya. Natural noong kumikita na siya, siguro ‘yong mga na-miss niya noong bata pa siya, gusto naman niyang mapunan,” paliwanag ni Cristy.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Kaya lang, kasabay kasi ng pangangarap pag-iipon. Dapat ganoon talaga para may madudukot sa panahon ng pangangailangan,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “At least, nauna ‘yong bahay. Maganda na ‘yong pinundar niya ‘di ba. Nakapagpundar siya ng bahay. Tapos may mga sasakyan, oo. Pero ang pinakapinag-uusapan nga nila ngayon, ba’t ganoon ‘di siya nag-ipon? Dapat tiningnan niya muna ‘yong future.”

Matatandaang bukod sa kotse ay napabalita ring pinaplano nang ibenta ni Daniel ang kaniyang bahay at magsasara na rin umano ang negosyo niya.

MAKI-BALITA: Matapos ibenta ang kotse: Daniel, plano ring isunod ang bahay?

MAKI-BALITA: Kotse, bahay dinispatsa na; Negosyo ni Daniel, magsasara na?

Lumutang din ang kuwentong patuloy daw na nababasawan ang endorsement ni Daniel hindi gaya kay Kathryn Bernardo na kabaligtaran ang nangyayari matapos nilang maghiwalay noong Disyembre 2023.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, nanganganib; endorsement nababawasan daw?