Bumaba ng 28 porsyento ang bilang ng focus crimes sa bansa mula Enero 1-30 ng taon.

Ito ang isinapubliko ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame, Quezon City nitong Miyerkules.

Aniya, nasa 2,301 focus crimes lamang ang naitala sa nasabing panahon, mas mababa kumpara 3,223 krimen sa kaparehong panahon noong 2023.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft at motorcycle theft.

“Mas mababa ng 28.61 percent at sana sa tulong ng ating mga kababayan para ma-sustain natin itong pagbaba ng mga krimen. Mababa ang krimen natin at 'yun nagbibigay motivation sa ating mga pulis para mas lalo nilang pag-igihin 'yung kanilang trabaho at alam ng mga pulis kung ano 'yung dapat na focus at ang focus natin is to enforce the law and implement 'yung mga legal order ng mga duly constituted authorities," pahayag pa ni Fajardo.

PNA